Thursday 14 November 2019

CLIMATE CHANGE


Ano ang Climate Change?

  • Ang pagbabago ng klima ay nangyayari kapag ang mga pagbabago sa sistema ng klima ng Earth ay nagreresulta sa mga bagong pattern ng panahon na nananatili sa lugar para sa isang pinalawig na panahon. Ang haba ng oras na ito ay maaaring maging kasing liit ng ilang mga dekada hanggang sa milyun-milyong taon.


Ano ang Sanhi ng Climate Change?

  •  Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon.  Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo.
  •  Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases )GHGs).  ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo.  Ang pagbuga ng carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate change.

Ano ang epekto ng Climate Change

  • Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na:
    - Dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae.
    - Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis).
    Dulot ng polusyon (allergy)
  • Malnutrisyon at epektong panglipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan nito.

Ano ang Solusyong ng Climate change 

1. Magtanim ng puno at halaman upang magsilbing taga-sipsip ng GHGs

2. Magpalit ng bumbilya.  Gumamit ng tinatawag na compact fluorescent light bulbs (CFLs). 

3. Magtipid sa paggamit ng koryente.  Buksan ang mga bintana at hayaang makapasok ang natural na liwanag at hangin sa tahanan.  Iwasang gumamit ng aircon.

4. Bunutin ang plug ng mga appliances  kung hindi ginagamit.

5. Magtipid sa paggamit ng tubig.

6. Maging praktikal sa paggamit ng sasakyan. Maglakad kung kinakailangan.

7. Huwag magsunog ng anumang basura.

8. Magrecycle.  Iwasang gumamit ng plastic bags sa halip, gumamit ng recyclable bags.